Nagsumite ng kanyang kontra salaysay si Police Superintendent Rafael Dumlao kaugnay ng pagkakadawit sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Humarap din sa pagdinig ng Department of Justice kahapon ang pangunahing suspect na si SPO3 Ricky Santa Isabel, NBI asset na si Jerry Omlang, at may-ari ng Gream funeral parlor na si Gerardo Mendoza.
Ayon sa abogado ni Mendoza, handa silang i-turn over sa PNP Anti-Kidnapping Group ang hard drive ng CCTV ng Gream funeral parlor kung saan dinala ang mga labi ni Jee.
Ipagpapatuloy ang pagdinig ng Department of Justice sa Biyernes para naman sa kontra salaysay ng mga opisyal ng NBI na idinadawit sa kaso.
By: Avee Devierte / Bert Mozo