Nais ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na isailalim sa random drug testing ang mga police trainees.
Ito ay bilang bahagi ng kanyang hangaring mapaigting ang kampanya kontra iligal na droga sa mga trainee na pulis.
Sa kanyang talumpati sa ika-15 anibersaryo ng PNP training service, sinabi ni Sinas na dapat isalang sa random drug test ang mga trainees sa unang araw pa lamang nila.
Iginiit din ni Sinas na dapat tumanim sa isipan ng mga police trainees na walang lugar sa organisasyon ang illegal drugs.
Magugunitang noong hepe pa lamang ng NCRPO si Sinas, kilala ito sa pagpapatupad ng random drug test sa mga pulis sa Metro Manila kasabay ng pag-iinspeksyon sa mga istasyon ng pulisya.