Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang mga tauhan ng PNP na paigtingin ang pagpapatrolya sa gabi.
Ito’y kasunod ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force sa resolusyong payagan ang pangangaroling ngayong darating na kapaskuhan sa bansa.
Dagdag ni Eleazar, inaasahan na kasing darami na ang mag-iikot na mga kabataan para mag-alay ng awiting pamasko upang mangaroling ngayong nakasailalim na ang maraming lugar sa alert level 2.
Kaya naman nararapat lamang na bigyan ang mga ito ng sapat na seguridad para matiyak na rin ang kanilang kaligtasan sa panahong ito.
Gayunman, iginiit ni Eleazar na kahit bumababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila ay hindi pa rin dapat magpabaya at magpakakampante sa pagsunod sa minimum health protocols lalo’t nariyan pa rin ang banta ng virus. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)