Pinakikilos na ng liderato ng Philippine National Police o PNP ang mga tauhan nito na paigtingin ang kanilang presensya tuwing gabi sa pamamagitan ng pagpapatrulya
Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force o IATF ang resolusyong payagan ang pangangaroling ngayong pumasok na ang bansa sa panahon ng kapaskuhan
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, inaasahan na kasing darami na ang mag-iikot na mga kabataan para mag-alay ng awiting pamasko upang mangaroling ngayong nakapailalim na ang maraming lugar sa Alert Level 2
Kaya naman nararapat lamang na bigyan ang mga ito ng sapat na seguridad para matiyak na rin ang kanilang kaligtasan sa panahong ito
Gayunman, iginiit ni Eleazar na kahit bumababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila ay hindi pa rin dapat magpabaya at magpakakampante sa pagsunod sa minimum health protocols lalo’t nariyan pa rin ang banta ng virus