Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na dagdagan ang bilang ng mga pulis sa iba’t-ibang tourist destination sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, makabubuting magkaroon ng maraming pulis sa mga beach upang may matakbuhan agad ang mga turista sakaling kailanganin ang serbisyo ng mga nasabing law enforcer.
Bukod dito, nais din ng punong ehekutibo na magkaroon ng health facilities ang mga tinaguriang big tourist destinations, gaya sa isla ng Boracay.
Ang ganito anyang klase ng arrangement ay ipinatutupad din sa mga beach sa Hawaii at Thailand.
Kabilang ang turismo sa mga pangunahing sektor sa bansa at isa rin sa mga may pinaka-malaking ambag sa ekonomiya.