Pinabubuwag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang policy-making body ng National Food Authority (NFA) upang mapabilis ang importasyon ng bigas.
Ito ang kautusan ni Pangulong Duterte matapos pulungin ang mga industry stakeholder kung saan inatasan si Cabinet Secretary Leoncio Evasco na hilingin ang tulong ng traders at retailers sa pagpapanatili sa supply ng bigas.
Ayon sa James Magbanua, National President ng Grains Retailers Confederation of the Philippines, na dumalo sa pulong, layunin ng hakbang na mapigilan ang korapsyon sa NFA.
Hangga’t wala aniyang maraming pasikot-sikot, pag-abuso at korupsyon ay suportado ni Pangulong Duterte ang ahensya habang nais din nito na dumating ng mas maaga o kahit sa susunod na buwan ang mga inangkat na bigas sa halip na sa Hunyo.
Ang NFA Council na isang advisory body ay binubuo ng labingwalong (18) miyembro na may nakatutok sa pag-evaluate sa mga proposal mula sa management team na pinamumunuan ni NFA Administrator Jason Aquino.
—-