Itinuturing na isang outbreak ng Department of Health (DOH) ang pagbabalik ng polio sa bansa.
Ito ay ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo matapos makumpirma ang dalawang kaso ng polio sa bansa.
Aniya, dahil 19 na taon nang polio free ang Pilipinas, kapag lumampas na sa isa ang naitalang kaso ay maituturing na itong isang outbreak.
Dahil dito ay magsasagawa na ng outbreak response immunization ang ahensya.
Inilatag din ni Domingo ang iba pang hakbang na kanilang gagawin katulad ng papaigting ng kampanya para sa mas malinis na kapaligiran.
Number 1 is yung pong sanitation doon sa mga area, tuturuan natin talaga, paiigtingin talaga natin yung hygienic practices yung mga families to make sure yung ginagamit nila is safe. And then second, yung outbreak immunization to protect all the children in the area kung saan may posible exposure to the virus,” ani Domingo.
Makikipag-ugnayan din sila sa iba’t ibang ahensya para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Together po with DPWH at DENR ay talagang kailang pong bigyan natin ng pansin yung ating pong talagang environment sa sanitation kasi isa po talaga siyang malaking threat specially po sa mga ganitong sakit,” ani Domingo. — sa panayam ng Sapol ni Jarius Bondoc.