Muling nakapagtala ng kaso ng Polio sa Africa matapos ang mahigit limang taon.
Ayon sa World Health Organization, na-detect ang Wild Poliovirus Type 1 sa isang bata sa Lilongwe, Malawi kung saan lumabas sa pagsusuri ng laboratoryo na nauugnay ang strain sa sakit na kumakalat ngayon sa sindh province sa Pakistan.
Sinabi naman ni WHO Africa Regional Director Matshidiso Moeti na gumagawa sila ng paraan upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng polio sa rehiyon.
Nabatid na Agosto 2020 nang ideklarang malaya na mula sa nakahahawang sakit ang Africa. – sa panulat ni Airiam Sancho