Natuldukan na ang polio outbreak sa Pilipinas.
Ito ang idineklara ng UNICEF at ni World Health Organization (WHO) Representative of the Philippines, Dr. Rabindra abeyasinghe sa isang media forum, aniya nasa 30-milyong doses ng oral polio vaccine ang na-administer sa bansa.
Sa naturang bilang ng oral polio vaccine, 11 milyong mga bata sa bansa ang nakinabang dito.
Mababatid kasi sa ginawang assessment ng UNICEF at WHO, tapos na ang polio outbreak na naitala noong setyembre noong 2019.
Ibig sabihin, wala nang naitalang kaso ng sakit sa bansa sa nagdaang 16 na buwan.
Kasunod nito, pinapurihan ng WHO ang pagsusumikap ng bansa para mawakasan ang banta ng polio kahit pa nasa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa huli, binigyang diin ng WHO na maituturing ang pilipinas na isang mabuting ehemplo sa iba pang mga bansa pagdating sa paglaban nito laban sa sakit.