Nakatanggap ng bakuna kontra polio ang mahigit 400,000 bata mula sa malalayong lugar sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ito’y sa pagtutulungan ng Department of Health (DOH) sa World Health Organization at United Nations Children’s Fund (Unicef).
Ayon sa Unicef, mataas ang tyansa na magkaroon ng polio ang naturang mga bata dahil sa klase ng lugar at kapaligaran kung saan sila naninirahan.
Edad sampu pababa ang mga binigyan ng polio vaccine.
Magugunitang nagdeklara ng polio outbreak ang DOH sa bansa nuong September 19, 2019 matapos makumpirma ang unang kaso ng sakit sa Marogong, Lanao del Sur makaraan ang halos dalawang dekadang pagiging polio free ng Pilipinas.