Nag-emergency landing sa Prague ang isang Boeing 707 plane ng isang polish charter airline, matapos ang bomb threat ng isang pasahero.
Ayon kay Czech interior minister Milan Chovanec, hawak na ng pulisya ang lalaking nagbanta na ide-detonate ang isang bomba.
Patungo sana sa warsaw ang naturang eroplano mula sa Las Palmas, Spain lulan ang 160 pasahero. Hindi naman tinukoy ng awtoridad kung mayroon silang narekober na bomba mula sa lalaki.
By Katrina Valle / (Photo credit: Reuters)