Naglatag ang DOLE o Department of Labor and Employment ng bagong polisiya para mas mahigpit sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Kasunod ito ng mga ulat na dagsa na ang mga Chinese worker sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kinakailangan na kumuha ng working visa ang isang dayuhan bago pa siya dumating at makapagtrabaho sa bansa.
Dahil sa bagong polisiya ay kumpiyansa si Bello na matitigil na ang pagpasok ng foreign illegal workers.
Masisiguro aniya na ang papasuking trabaho ng naturang mga dayuhan ay mga trabahong hindi ginagawa ng mga Pilipino.