Pagpupulungan ng Metro Manila mayors ang pagkakaroon ng iisang polisiya sa pagpayag na ring makalabas ng mga senior citizen at menor de edad.
Kasunod na rin ito nang pagsasailalim sa Metro Manila sa mas maluwag na quarantine restriction o alert level 3 simula kahapon, Oktubre 16.
Ipinabatid naman ni MMDA chairman Benhur Abalos na ang general policy ay puwedeng payagang makalabas ang mga bata para mag-ehersisyo, subalit doon lamang sa kanilang area.
Una nang isinulong ni Navotas City Toby Tiangco ang pagkakaroon ng single policy ng Metro Manila LGU sa pagbabala sa alert level 3 ng rehiyon.