Nais iparepaso ni Senadora Nancy Binay ang mga polisiyang ipinatutupad sa pagbibigay ng visa sa mga Chinese national na nais pumasok sa Pilipinas.
Ayon kay Binay, chair ng senate tourism committee, dapat itong mapag-aralan muli dahil sa tila aniya dumaraming prostitution den kung saan sangkot ang mga Chinese national na babae gayundin ang mga parokyano nito.
Naging banta rin aniya ang pagpasok ng maraming Chinese sa Pilipinas sa pagpasok din ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa bansa.
Layon ng resolution no. 309 na inihain ni Binay na tingnan kung ang polisiyang ipinatutupad sa pagbibigay ng visa sa mga Chinese national ay hindi makaaapekto o makasasama sa kalusugan ng sinumang mamamayan ng bansa.
Kailangan din aniyang matiyak na hindi magiging daan ang pagpasok nila sa bansa para mas lalo pang lumaganap ang sex trafficking at prostitusyon sa Pilipinas.