Isinasapinal na ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang polisiya kaugnay sa pagbubukas ng community pantries.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos, ang polisiyang binubuo ngayon ng mga alkalde ay para maiwasan na maging super spreader ang pagpila ng mga tao sa community pantry.
Ani Abalos, kinikilala nila ang kabutihan ng puso ng mga organizer ng community pantries na ito, ngunit nais lamang nilang tiyakin na ito ay magkakaroon ng kaayusan at magiging ligtas para sa lahat.
Aniya, kung ang mga health protocols lamang ay maayos na naipatutupad at nasusunod sa mga community pantries na ito, hindi na aabot o hindi na kailangan pang makialam ang gobyerno.