Nirerepaso na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang umiiral nilang polisiya hinggil sa quarrying.
Kasunod ito ng naging resulta ng inisyal na imbestigasyon ng ahensiya kung saan 14 na quarrying operators ang nakitaan ng paglabag.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, posibleng limitahan na lamang ang operasyon ng quarrying sa mga matatatag na lugar at may mababang banta ng panganib.
Magugunitang, nalubog sa lahar ang nasa 300 mga kabahayan sa Barangay San Francisco sa Guinobatan, Albay sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly noong Nobyembre 2.
Nagresulta rin ito sa pagkasawi ng ilang residente sa nabanggit na barangay.