Pinapayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga pampublikong sasakyan na magpaskil ng mga political ads.
Alinsunod ito sa naging ruling ng korte suprema na nagsasabing unconstitutional ang ginawang pagbabawal dito ng Commission on Elections dahil maituturing na pribadong pag aari ang naturang mga sasakyan.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez, bagama’t pinapayagan na ay kailangan namang kumuha muna ng permit upang masigurong ilalagay ang mga poster sa tamang lugar.
“May regulation din po kami kung saan pwede ilagay at kung gaano kalaki. Halimbawa sa jeep, pwede sa itaas, sa bus naman po yung magkabilang gilid, at sa likod naman ay may prescribe na size,” paliwanag ni Ginez
By: Rianne Briones I Ratsada Balita