Duda si political analyst Ramon Casiple sa ginawang pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang kandidatong tatakbo sa 2022 elections na gumagamit umano ng cocaine.
Ayon kay Casiple, kung seryoso umano ang pangulo sa pagbubunyag nito na may isang presidential aspirant na gumagamit ng iligal na droga.
Dagdag pa ni Casiple, kung mayroong ebidensya si Pangulong Duterte ay matagal na niya itong inaksyunan at ipinahuli, may eleksyon man o wala.
Sinabi din ni Casiple na ang dahilan ng pagbunyag ng pangulo ay posibleng para sa personal nitong interes at sa kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tatakbong vice president sa 2022 elections. —sa panulat ni Angelica Doctolero