Positibo ang political analyst na si Mon Casiple na magagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga pangako sa natitirang huling tatlong taon niya sa pwesto.
Ayon kay Casiple, patuloy ang pagkilos ng gobyerno para gawin ang mga prayoridad ng gobyerno pagdating sa imprastraktura, ekonomiya, paglaban sa korupsiyon at iba pa.
Nararamdaman din sa naging SONA ng pangulo ang kanyang frustrations sa mga nagiging balakid sa kanyang mga nais na ipatupad na pagbabago.
Ang gusto niya, maayos ‘ynug mga legacy, but at the same time nando’n ‘yung frustration. Ang pinakamahalaga siguro para sa akin na nasabi niya ‘yung ‘enemy is us’,” ani Casiple.
Naniniwala naman si Casiple na tuloy pa rin ang pagsusulong ng pangulo sa pederalismo maliban lamang sa hindi na ito ang siyang makikinabang dito.
Ayoko nga na magpatuloy, (…) gagawin niya pero hindi siya ‘yung beneficiary,” ani Casiple.
Ratsada Balita Interview