Inihayag ni Atty. Michael Yusingco ng Ateneo School of Government na ang political dynasty ang siyang sumisira sa demokrasya ng bansa.
Ayon kay Atty. Yusingco, sa pamamagitan ng paglimita sa mga kakandidato sa eleksiyon ay hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang mga iba pang gustong magsilbi sa bayan.
Aniya, hindi dapat bumase ang isang botante sa magandang performance na ipinapakita ng isang kandidato dahil may posibilidad na mawala ang demokrasya ng bansa.
Marami naring mga kandidato ang ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang iboto sa susunod na halalan.
Matatandaang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang Sabado kung saan, sinabi niya na hindi umano masama ang political dynasty at hindi ito mababago kung hindi babaguhin ang kasalukuyang konstitusyon.
Nagpaalala naman si Yusingco sa mga botante na pumili ng kandidato na nararapat na maihalal sa susunod na eleksiyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero