Iginiit ni Seantor Ronald Dela Rosa na dapat magkaroon na ng batas para matanggal ang political influence sa Philippine National Police.
Dahil dito, isinusulong ni Sen. Dela Rosa ang pag-amyenda sa local government code na nagbibigay kapangyarihan sa mga Local Chief Executives na pipili ng Chief of Police sa kanilang lungsod o munisipalidad.
Ito lang aniya ang paraan para ma-professionalize ang PNP. -Sa panulat ni Jeraline Doinog