Umaabot sa 39 na political killings ang nangyari sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinunyag ni JP Rosos, tagapagsalita ng LFS o League of Filipino Students.
Ayon kay Rosos, sa naturang bilang, 20 rito ay naganap mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan na mahigpit nilang kinokondena.
Ilan aniya sa mga biktima ng political killings ay mga hinihinalang kriminal at mga inosenteng sibilyan.
By Meann Tanbio |With Report from Jill Resontoc