Posible umanong maapektuhan ang political landscape sakaling tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 national elections.
Ayon kay PDP-Laban President at Energy Secretary Alfonso Cusi, nakatuon sila ngayon sa magiging desisyon ng presidential daughter kung saan, kanila itong susuportahan sakaling tumakbo sa halalan.
Kasunod ito ng pagbawi ni Inday Sara sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang reelectionist sa susunod na taon.
Matatandaan ding binawi ng kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian Duterte ang kanyang COC sa reelection bid nito para palitan si Mayor Sara.—sa panulat ni Angelica Doctolero