Laya na ang political prisoner na si Juanito Itaas matapos makulong ng tatlumpu’t dalawang taon.
Ayon sa grupong Kapatid, si Itaas ang “longest-held Filipino political prisoner” na naaresto noong 1989 sa Davao at nahatulan ng 39 taong pagkakabilanggo dahil sa pagpatay kay American Col. James Rowe, dating hepe ng Army Division ng Joint RP-US Military Advisory Group (JUSMAG).
Si Rowe ay nasawi makaraang tambangan noong April 21, 1989 habang papasok sa kanyang trabaho sa JUSMAG office sa Quezon City, bagay na inako naman ng New People’s Army (NPA).
Habang nakakulong si Itaas sa New Bilibid Prison (NBP) ay doon na rin ito nagka-asawa at nagkaroon ng tatlong anak.