Solusyong pulitikal ang kailangan para masolusyonan ang rebelyon sa Mindanao.
Binigyang diin ito ni Ghadzali Jaafar, vice chairman ng MILF o Moro Islamic Liberation Front at chairman rin ng BTC o Bangsamoro Transition Commission.
Ayon kay Jaafar, malaki ang pasasalamat nila sa mga tulong ng pamahalaan sa kanilang mga mamamayan subalit hindi ito ang kanilang kailangan kundi ang magkaroon ng gobyerno ang mga Muslim.
Sinabi ni Jaafar na maibibigay ng gobyerno ang nararapat na political solution sa problema ng Mindanao kung maipatutupad ang 2014 Comprehensive Agreement on Bangsamoro sa pamamagitan ng pagpasa sa BBL o Bangsamoro Basic Law.
Tiniyak ni Jaafar na kumikilos ang BTC para mabuo ang draft ng BBL bago ang itinakda nilang deadline sa May 18 at upang mag sertipikahan itong urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang SONA sa July 24.
By Len Aguirre