Binatikos ng European Union (EU) ang limang taong pagkakakulong na hatol ng Junta Court ng Myanmar sa pinatalsik na Civilian Leader Aung San Suu Kyi sa isang “politically motivated” trial.
Ayon sa EU, ang nasabing sentensya ay hakbang upang pabagsakin ang Rule of Law sa Myanmar at paglabag sa karapatang-pantao ng mga mamamayan at hadlang sa demokrasya ng nasabing bansa.
Isa rin itong pagtatangka na nais palayasin ng Military Junta ang mga democratically elected leaders ng Myanmar, kabilang si Suu Kyi, mula sa isang proseso ng dayalogo na inihihirit ng Asean.
Kasalukuyang nasa kustodiay ng militar si Suu Kyi nang magsimula ang kudeta noong nakaraang taon na nagpatalsik sa kanyang pamahalaan.