Makatatanggap ng dagdag 2,000 pesos honararia ang bawat poll worker na nag-overtime sa May 9 elections matapos ang mga naranasang delay at aberya sa mga Vote Counting Machine (VCM).
Ayon kay commissioner George Garcia, ang dagdag-bayad ay ibibigay sa mga poll worker sa 2,308 polling precincts na nakaranas ng aberya sa mga VCM at SD card.
Humingi naman ng paumanhin si Garcia sa mga guro dahil hindi maibigay ng Comelec ang halagang hinihingi ng Department of Education para sa dagdag kompensasyon.
Aabot sa 647,812 na DepEd personnel ang nagsilbi sa May 9 elections.