Nilinaw ngayon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na walang katotohanan ang impormasyon na nangangailangan ng 300 nurses at caregivers ang Japan.
Ayon sa POLO, ang binuksang job slots ay para lamang sa mga miyembro ng Japan Philippines Economic Partnership Agreement.
Dahil dito, pinayuhan ng Labor Office ang mga Pinoy na huwag agad maniniwala at mag-ingat dahil sa posibleng pakana lamang ito ng mga illegal recruiter.
By Ralph Obina