Nabawasan ng 40% ang air pollution sa Southeast Asia noong isang taon dahil sa kaliwa’t kanang lockdowns dulot ng COVID-19 pandemic.
Batay ito sa United Nations World Meteorological Organization Air quality and climate bulletin.
Ayon sa UN, bahagyang gumanda ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng mundo pero hindi ito sapat upang mapabagal ang climate change dulot ng global warming.
Naranasan ang malaking pagbabago sa air quality partikular sa China, Europe at North America.
Bagaman mabuting balita ito para sa mga may problema sa baga, ang kawalan naman ng harmful micro-particles ang naging daan upang mangibabaw ang ozone na isasa pinaka-delikadong pollutant.—sa panulat ni Drew Nacino