Maglalaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng budget para sa resiliency programs upang maibsan ang mga epekto ng kalamidad.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, bahagi ng 454.7 billion peso budget ng ahensya sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) ang gagamitin para sa resiliency programs.
Alinsunod sa naturang programa, isasailalim ng DPWH sa restructuring ang mga lumang proyekto sa buong bansa gaya ng mga paaralan at ospital.
Ito’y upang matiyak na matibay ang mga naturang gusali sakaling tumama ang isang malakas na lindol o bagyo.
By Drew Nacino
Pondo ilalaan para sa resiliency programs kontra kalamidad was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882