Naglaan ang Department of Health (DOH) ng sapat na pondo upang madagdagan ang health workforce sa banta ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binigyan ng ahensya ng sapat na pondo ang mga ospital upang makapag-deploy ng mga bagong health care workers.
Nasa halos 7,000 ang na-hire nang magsimula ang emergency hiring program para sa health workers.
Bukod dito, nababahala ang ilang medical professional dahil sa kakulangan ng mga health care workers dahil sa takot sa banta ng virus.
Samantala, nauna ng inilabas ng DOH na maraming health workers ang nahahawa sa COVID-19 habang mas maraming pasyente ang dumadayo sa ibang ospital dahil napupuno na ang ilang ospital sa bansa. — Sa panulat ni Rashid Locsin.