Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kinukulang na ang pondo ng Armed Forces of the Philippines o AFP habang papalapit ang pagtatapos ng taon.
Paliwanag ng kalihim itoy dahil sa laki na ng nagagastos nila sa giyera sa Marawi na umaabot na aniya ngayon sa 3.5 billion pesos.
Ito aniya ang pinambili ng mga bala, bomba, langis pagkain at gamot ng tropang patuloy na nakikipagsagupa sa teroristang Maute.
Ayon kay Lorenzana, ginalaw na nila ang pondong nakalaan sana sa iba pang proyekto ng AFP para magamit sa Marawi.
Dahil dito humihiling na si Lorenzana sa Malacañang ng palit sa pondo na kanilang ginastos sa giyera upang hindi sila masaid.
Tumugon naman aniya agad dito ang Malacañang at sinabi aniya ng Department of Budget and Management o DBM na maghahanap ito ng pondo.
—-