Iminungkahi ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na mas mainam na ideretso na lamang ang pondo ng bayan sa mga ospital sa halip na idaan pa sa PhilHealth.
Ito’y matapos aminin ng PhilHealth na paubos na ang kanilang pondo na maaari na lamang tumagal ng isang taon.
Ayon kay Zarate, pinatutunayan lamang ngayon ng kalagayan ng PhilHealth na tama ang posisyon ng Makabayan bloc na ang pondo mula sa pambansang budget ay idiretso na sa mga ospital.
Dagdag pa ng senador mahihirapan na ang publiko na ipagkatiwala pa sa PhilHealth ang kanilang pera dahil mistulang nilamon na ng korapsyon at sindakato ang korporasyon.
Kasabay nito, iginiit ni Zarate na dapat may masibak at managot sa mga nangyaring anomalya sa PhilHealth.