Pinadadagdagan ng ilang mambabatas ang pondo para sa Department of Education (DepEd) para magkaroon umano ng internet allowance ang mga guro.
Ayon kay Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, mismong mga guro na mula sa kaniyang nasasakupan ang humiling na mabigyan sila ng P3,000 allowance kada buwan.
Suportado rin ito ni Marikina Rep. Stella Quimbo upang aniya makatulong kahit papaano sa mga guro.
Gayunman, sinabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na mayroon silang ibinibigay na cash allowance sa mga guro kung saan maaari nila itong gamitin pambili ng mga suplay.
Ngunit, ani Sevilla, bukas naman ang DepEd kung nais ng mga mambabatas na madagdagan ang pondo ng kagawaran.