Pinadadagdagan ni Senate President pro-tempore Ralph Recto sa Malakaniyang ang pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito aniya’y para gamiting ayuda sa mga overseas Filipino worker’s (OFWs) na labis na naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa senador, P300-milyon na lamang ang natira mula sa P1-bilyong pisong alokasyon ng DFA para sa OFW assistance.
Kulang na kulang aniya ito lalo’t mahigit P3-bilyong piso na ang kakailanganin para mapauwi sa bansa ang may walumpung libong OFW sa Saudi Arabia pa lamang.