Large scale corruption at hindi lamang Plunder ang sangkot sa pondo ng DOH na para sana sa COVID-19 response.
Binigyang diin ito ni Senador Panfilo Lacson matapos luminaw aniya sa pinakahuling pagdinig ng Senado na bilyun-bilyong piso ang nakurakot sa pondong inilaan para sa paglaban sa pandemya.
“Hinding hindi kami matitinag kasi maliwanag naman, meron tayong tinutumbok dito na large scale corruption. Hindi na nga Plunder ang tawag dito e. At saka what makes it worse, yung sa gitna ng pandemya may pagsasamantala pa ng mga bilyones. Diba? Maliwanag yun e. Halos na-establish naman yun na yun ang nangyare. Dahil sa mga na-reveal, tsaka mga dokumentong naipalabas, maliwanag na talagang merong malaking, sabihin na natin nakurakot na pera na para sa pandemya sana,” si Senador Panfilo Lacson, sa panayam ng DWIZ.