Nabunyag sa deliberasyon ng pondo sa kamara na wala ng pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa libreng COVID-19 test ng mga first time job seekers sa susunod na taon.
Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas, mayroong 100 million pesos na pondo ang DOLE ngayong taon para sa libreng COVID-19 test ng mga bagong naghahanap ng trabaho.
Pero hindi na aabot sa susunod na taon ang pondo kaya posibleng mabalik sa mga naghahanap ng trabaho ang gastos sa testing.
Idinagdag naman ni Quezon Rep. David Suarez, sponsor ng budget ng DOLE na naglabas ng resolusyon ang employees compensation commission na isa-subsidize nito ang antigen test kits para sa mga first-time job seekers.