Dinagdagan pa ang 2018 budget ng DPWH o Department of Public Works and Highways.
Ito’y sa kabila ng isinusulong ni Senador Panfilo Lacson na ikaltas ang lahat ng mga pork barrel funds na bigong maipatupad ng senado.
Batay sa pinal na ulat para sa panukalang 2018 national budget, dinagdagan ng parehong kapulungan ng kongreso ng 11.1 billion pesos ang alokasyon para sa DPWH.
Lumalabas na sa susunod na taon ay may kabuuang 637.9 billion pesos na pondo ang naturang ahensya.
Magugunitang may inirekomenda ni Lacson ang pagtapyas sa 68 bilyon pesos sa pondo ng DPWH na nakalaan sa mga proyektong may nakabinbin pang usapin sa right-of-way.