Hindi na huhugot ng pondo mula sa Government Service Insurance System at Social Security System ang panukalang maharlika investment fund.
Ito’y sa gitna ng pangamba ng publiko na mawawalan ng benepisyo ang mga pensioner ng dalawang government insurance funds kung malulugi ang nasabing investment.
Inanunsyo ni House Appropriations Panel Senior Vice Chairperson at Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na nagkasundo ang kanilang kumite na amyendahan ang panukala, bukas.
Dahil dito ay aalisin na anya ang P125 billion na pondo mula sa GSIS at P50 billion mula sa SSS na orihinal na kabilang sa House Bill 6398.
Si Quimbo ang isa sa mga may-akda ng panukalang isinusulong nina House Speaker Martin Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, na pinsan at anak ni Pangulong Bongbong Marcos.