Tinatayang P2 milyong piso ang pondo ng kongreso para sa magiging huling SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes, Hulyo 27.
Inanunsyo ito ng Secretary General ng kamara na si Marilyn Yap.
Mababa aniya ang halaga dahil ginawa na ng ilang ahensya ng gobyerno ang ilan sa mga pagpapalamuti at pag-aayos sa loob at labas ng Batasan.
Tumulong ang DENR, DPWH, MMDA, at iba pang inter-agency upang mag-ayos.
Sinabi ni Yap na mas mababa ang P2 milyong pondo sa darating na SONA kaysa pondo ng SONA noong nakaraang taon na umabot sa P2.3 million.
Tinatayang aabot mula 700 hanggang 800 ang bilang ng dadalo.
Sinabi rin ni Yap na sa usapin ng seguridad, 3,000 hanggang 3,500 ang external security samantalang 1,000 pulis at militar naman ang kabilang sa internal security.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)