Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na panahon na para dagdagan ang pondo ng militar.
Ayon kay Lacson, ito ay para mapalakas ang kanilang kakayanan na protektahan ang mga teritoryong nasasakop ng bansa.
Ani Lacson, chairman ng senate committee on national defense and security, kailangan madagdagan na ang budget ng militar kada taon na katumbas ng 2% ng gross domestic product ng bansa.
Ito’y para magamit umano sa pagkakaroon ng sapat na kapasidad para maprotektahan ang bansa at upang hindi mapag iwanan ng militar ng ibang bansa.
Una rito, ginunita ang ikaapat na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration case kontra sa pilit na pag-aangkin ng China sa halos buong West Philippine Sea.