Mahigit P3.2 bilyon na ang nailabas na pondo ng Department of Education para sa kanilang maintenance and other operating expenses o MOOE.
Ang naturang pondo ay ilalaan para sa reinforcement ng bagong normal set-up at implementasyon ng minimum health requirement sa mga paaralan.
Inihayag naman ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na naibigay na ng DEPED and MOOE sa kanilang mga field offices kung saan umaasa sila na magagamit ang naturang pondo.
Aniya, kahit hindi pumapasok ng personal ang mga estudyante, operational naman ang mga paaralan at gumagamit pa rin ng mga school facilities ang mga guro.
Samantala, ipinabatid ni Education Chief Leonor Briones na layunin ng kagawran na makapagbigay suporta sa kanilang mga tauhan na nagtatrabaho sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.