Posibleng masimot ang pondo ng Social Security System (SSS) kung tuluyang maisabatas ang dagdag na P2,000 pension.
Ayon kay dating SSS President Cora dela Paz- Bernardo, tatagal na lamang hanggang 2029 ang pondo ng pension fund dahil mas malaki aniya ang lalabas na pera kesa sa mga papasok na kontribusyon.
Hindi aniya kakayanin ito kahit pa mag-increase sa kontribusyon ang mga miyembro nito.
Kaugnay nito, umapela naman ng ilang senior citizens group na magbigay ng dagdag na pera ang gobyerno para maisalba ang pondo ng pension fund.
Samantala, December 14 nang isumite kay Pangulong Benigno Aquino ang naturang batas, mayroon na lamang hanggang ngayong araw ang Pangulo para pirmahan o kaya naman ay i-veto ito.
By Rianne Briones