Nagpatupad ng re-assignment ang Social Security System o SSS sa mga opisyal nito na nahaharap sa mga kasong administratibo.
Ito’y makaraang masangkot ang pitong (7) opisyal nito na nagsabwatan para kontrolin ang ilang mahahalagang proyekto sa loob ng SSS, tulad ng pagtatago ng ilang detalye ng mga kumpanyang nakasalang sa initial public offering.
Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, layon ng ginawa nilang re-assignment na tiyakin ang tuloy-tuloy na operasyon ng SSS, gayundin ay para magbigay – daan sa patas at bukas na imbestigasyon.
Pagtitiyak pa ni Dooc, walang pondo ng mga miyembro ng SSS na nagamit o nakompromiso dahil protektado at propesyunal nilang pinangangasiwaan ang investment reserve fund na mula sa kontribusyon at kita nito mula sa mga investment.