Humiling ang Department of Agriculture (DA) sa susunod na administrasyon ng 24 billion pesos na pondo upang matugunan ang nagbabadyang krisis sa pagkain.
Magugunitang nagbabala si DA secretary William Dar na posibleng magkaroon ng food crisis dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine na nakaaantala sa global food supply chain na nakaaapekto naman sa agricultural productivity ng Pilipinas.
Gayunpaman, gagamitin ng ahensya ang naturang pondo para pataasin ang produksyon ng pagkain, pambili ng fertilizer at ibabahaging ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda.
Layunin nito na maging abot-kaya ang pagkain gaya ng pangako ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 20 pesos kada kilo ng bigas.