Patuloy pang naghahanap ng pondo ang Department of the Interior and Local Government o DILG para sa ayudang kanilang ipamamahagi sa gitna ng granular lockdown.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, wala pang hiling na ayuda ang mga lokal na pamahalaan para sa mga residenteng apektado ng granular lockdown pero mayroong nakalaang isang libong food packs para ideploy sa mga residente ano mang oras.
Sinabi din ni Malaya na wala nang matatanggap na tulong pinansyal ang mga residente dahil nagamit na ang P11.2 bilyon noong nakaraang buwan sa Metro Manila.
Dagdag pa ng kalihim na nakadepende parin sa LGUs kung maglalaan pa sila ng cash aid sa kanilang nasasakupan. —sa panulat ni Angelica Doctolero