Inihayag ni Senate Finance Committee Chairperson Senator Sonny Angara na maaaring pag-aralan ang supplemental budget o ‘di kaya ay iprayoridad sa 2022 budget ang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataan.
Ayon sa senador, dapat na talagang maisama ang mga kabataan sa mga dapat na mabakunahan dahil na rin sa banta ng mas nakakahawang delta variant.
Sinabi naman ni minority leader Franklin Drilon na may sapat na undisbursed budget items sa 2020 at 2021 national budget at sa government-owned and -controlled corporations (GOCC) na maaaring ire-align para sa pagbili ng bakuna para sa mga kabataan.
Binanggit pa ni Drilon ang nakita ng commission on audit sa Philippine International Trading Corp. (PITC) na P11-B pondo na naka-park o natutulog lang sa naturang tanggapan.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico