Inihirit ng isang mambabatas mula sa Kamara ang pagbuwag sa pondo para sa mga CAFGU o Citizen Armed Forces Geographical Unit sa susunod na taon.
Ayon kay Anakpawis Representative Ariel Casilao, masyadong malaki ang ilalaang P3.4-B pondo para sa mga CAFGU kaya’t dapat na matanggal ito.
Kilala aniya ang mga CAFGU na madalas masangkot sa mga pang-aabuso tulad ng ginagawang pangha-harass sa mga Lumad sa Mindanao kaya’t hindi aniya katanggap-tanggap na popondohan pa ito ng gobyerno.
Batay aniya sa naging ulat ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa Kamara, aabot sa humigit kumulang 54,000 ang puwersa ng mga CAFGU ngayon sa buong bansa.