Hawak na ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay ang pondo para sa mga benepisaryo ng Cash for Work Program ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay DSWD Officer in Charge Emmanuel Leyco, unang nakatanggap ng pondong aabot sa higit pitong milyong piso ay ang munisipalidad ng Daraga at Guinobatan kung saan makikinabang ang higit dalawang libo at anim na raang (2,600) mga benepisaryo.
Tiwala ang DSWD na malaki ang maitutulong ng naturang halaga sa mga residente na patuloy pa ring naninirahan sa mga evacuation centers simula nang mag alburoto ang Bulkang Mayon.