Maaari pa ring magamit ang pondong nakalaan para sa pagtugon sa COVID-19 sa ilalim ng bayanihan to recover as one act, kahit pa mapaso na ang naturang batas sa Disyembre.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos batikusin ng dalawang senador ang mabagal na pagpapalabas ng pondo para sa Departments Of Tourism at agriculture sa ilalim ng bayanihan 2.
Ayon kay Roque, wala siyang nakikitang problema dahil hindi aniya nakabatay sa expiration ng batas ang paggastos sa pondo.
Aniya, may mga natukoy nang paglalaan ng pondo at ipalalabas na lamang din ito ng Department of Budget and Management.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bayanihan 2 noong nakaraang buwan matapos mapaso noong Hunyo ang unang bayanihan to heal as one act.